
Hong Kong
Ang Hong Kong ay isa sa mga lugar na laging pinupuntahan ng mga turista. Dahil mayamn sila sa mga nakamamanghang tanawin, kultura, at tradisyon ay patuloy itong umuunlad. Madaming maaring gawin dito kung kayat tayo ay mamangha at alamin pa ang tinatago nitong yaman.
Nakabibighaning mga kultura, wika, at tao.
Napakasayang tumapak sa Hong Kong. Nakakapagod man ang biyahe papunta rito ngunit sa mga payalan at kainan na nakapalibot sa iyo ay tiyak magpapasaya sa iyo hanggang dulo.
Kung tao ay pupunta dito siguraduhin natin na may dala tayong pera dahil madaming mga producto ang pwede nating mabili at ipasalubong sa mahal natin sa buhay.

Halika’t Maglakbay
Ang kamanghamanghang mg paglilibot at nakakatuwang pakikipagsapalaran ay naghihintay para sa iyo

Maglakbay at Magpakasaya
KALIMUTAN ANG MGA PROBLEMA
Hong Kong Ocean Park
Isang parke ng mammal ng dagat, karagatan, parkeng tema ng hayop at parke ng libangan na matatagpuan sa Wong Chuk Hang at Nam Long Shan sa Southern District ng Hong Kong. Masayang libutin ang Hong Kong Ocean Park kung kasama ang mahal natin sa buhay at makipaghalubilo sa mga hayop na makikita rito. Madaming mga hayop ang makikita dito tulad ng mga panda, dolphin, at mga unggoy. May mga Rides din dito tulad ng roller coaster at drop tower na pwedeng sakyan pag malakas ang ating loob at panninindigan.




Ang Buddha
Ang buddha ay isang napakalaking iskultura na may nakakamanghang sining at disenyo na matatagpuan sa Hong Kong
Bago makarating dito ay kinakailanagan itong akyatin. Habang naglalakad ay mararamdaman mo ang malamig ng klima rito ngunit sulit naman pag napagmasdan natin ito.
Respetuhin natin ang kanilang paniniwala at mga gawain.
Bawat tao ay may ibat-ibang paniniwala at kasanayan, kung kayat bilang mga dayo sa kanilang bansa ay kailangan nating magbigay respeto at dangal sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga simpleng kautusan.


Tratuhin ang iyong Sarili at Suyurin ang mga ibat-ibang mga tanawin na hatid ng Hong Kong
Hong Kong Disney Land
Ang Hong Kong Disney Land ay isa ring pook pasyalan kung saan madaming turista ang dumadayo rito. Makikita natin dito ang mga hayop tulad ng panda, isda at ibon, at mga mannequin nina Mickey Mouse at ang kanyang mga kasamahan. Napakalawak ng pook pasyalan na ito kung kayat madami ding mapapasyalan.
